Bahay ni Aga na itinatayo sa CamSur, ipinatigil

IPINATIGIL ng awtoridad ang konstruksyon ng bahay ng aktor na si Aga Muhlach sa Barangay Pugay, San Jose,  Camarines Sur kaninang umaga.

Kinuwestiyon naman agad ng abugado ni Muhlach sa Sanguniang panlalawigan ng Camarines Sur ang ipinalabas na cease and desist order ng Department of Agrarian Reform (DAR) na humantong sa mainit na diskusyon.

Nag-ugat ang sigalot sa reklamo ni Board Member Awel Llaguno hinggil sa pagbibigay ng oras sa naturang sulat na may halong politika lalo pa’t kilalang tagasuporta ni Muhlach si Governor L-Ray Villafuerte.

Agad naman itong sinalungat ni Board Member Waren Señar at binigyang diin na kailangan nila itong pag-usapan dahil ito ay mayroong public interest.

Nabatid kasi na wala pang kaukulang dokumento ang ginagawang dalawang palapag na bahay ng aktor sa lugar tulad ng sanitary permit, occupancy permit, building permit at iba pang mga mahalagang papeles kaya ito ipinahinto.

Upang matigil ang diskusyon, minabuti ni presiding officer Vice-Governor Ato Peña na pagbotohan na lamang kung ano ang nararapat gawin sa naturang sulat.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply