Balasahan sa BIR, aarangkada na

INIHAHANDA na ni Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Henares ang isang ‘rigodon’ na umano’y lilipol sa mga natitirang tiwaling opisyal ng BIR at binigyan ng kasiguruhan na hindi mamamayani ang ‘palakasan,’ ‘padrino,’ at ‘bata-bata system’ sa paglalagay sa mga itinuturing na ‘juicy position’ na ang apektado ay mula sa hanay ng deputy commissioners, regional directors at mga revenue district officers sa buong kapuluan.

Sa kanyang pakikipgpulong sa lahat ng assistant regional directors at assistant revenue district officers, nabanggit umao ng lady commissioner na labis itong nagtataka kung bakit marami sa mga regional directors ang ayaw ma-promote na assistant commissioners, ma-assign bilang chief ng Large Taxpayers Service o maging deputy commissioner.

Labis din ang pagtataka ni Henares sa mga revenue district officers kung bakit ayaw din maging assistant regional director, ganundin ang mga group supervisors na ayaw maging assistant revenue district officer at sa halip ay mas gusto nilang magretiro sa kasalukuyan nilang posisyon.

“Huwag ninyong upakan ng talikuran ang inyong superior o hepe sapagka’t ang kanilang tax collection performance ay performance din ninyo. Iwasan ninyo ang ‘back fighting.’ Ang mga nagkalat na ‘white papers’ ukol sa ‘siraan,’  ‘intriga’ at ‘sabuyan ng putik’ sa isa’t isa ay hindi nakatutulong at ang bagay na ito ay hindi ko binibigyan ng atensiyon,” pahayag ni Henares sa isang pulong ng mga assistant regional directors at assistant revenue district officers kamakailan.

Diumano, nakarating na sa kaalaman ni Henares ang relasyon ng isang RDO at assistant RDO  na nang humantong sa hiwalayan ay nagwala ng husto sa kanyang opisina ang ARDO na hindi matanggap ang ‘hiwalayan blues.’ Ang RDO ay under investigation sa umano’y hiddenwealth at unexplainwealth sa mga property nito kabilang ang ipinatayong mansion sa Tanay kung saan pinatag ang bundok para itayo ang nasabing ‘luxury house.’

Abot tenga rin kay Henares ang kumakalat na diumano’y itatalagang bagong RDO sa North, Quezon City si LTRAD Division Chief Edwin Guzman bilang kahalili ni Ramer Narvaez, sa Novaliches naman si LTRAD-1 Division Chief Cesar Escalada at anumang oras ay papalitan sa puwesto ang San Juan RDO at Marikina RDO dahil sa ‘poor performance. Ang lahat ng ito umano ay pawang haka-haka lamang. Sina Guzman at Escalada ay ilan lamang sa sinasabing malakas kay Henares.

Ang ‘major shake-up’ sa BIR ay bunsod ng pagreretiro sa Enero, 2013 ni Caloocan City Regional Director Tomas Rosales, ang diumano’y suspension ni Zamboanga Regional Director Rosil Lozares, ang bakanteng posisyon ng assistant director sa Legaspi City at Cotabato City.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply