Balbong aktor, kursunadang chicks hinihipuan at kinukurot

USAP-USAPAN sa isang malaking network ang balbong aktor na hindi nagtuloy-tuloy ang pagsikat sa kabila ng kaguwapuhan nito at kahusayan sa pag-arte. Ang sabi ng ilang showbiz insiders, dyuts daw kasi ito kaya pinabayaan siya nang tuluyan ng mga bading na executive. Kumalat pa sa apat na sulok ng industriya ang pagigig dyutay nito kaya pati ang ibang baklitang manager ay hindi na rin siya kinalinga. Maging ang mga chicks na nagiging karelasyon nito ay nangangawala din sa kanyang piling. Ang saklap!

Pero may ugali palang hindi maganda ang aktor na itetch. Kapag kursunada raw nito ang isang babae ay dinadaan nito sa paglalambing-lambing na may kasamang pangungurot at kung hindi pumalag ay hihimasin pa at ang finale ay idideretso sa kanyang caru.

Karamihan sa chicks ay hindi na umano nagrereklamo, lalo na ang mga humahanga sa aktor dahil mala-adonis naman talaga ang kagwapingan nito. Kumbaga, hindi sila lugi kahit manyakin sila. Ewan na lang natin kung ano ang nararamdaman nila sa bandang huli kapag natusok na sila ng kapiranggot lang daw na kargada nito.

Anyway, kapag hindi naghinay-hinay ang balbonic actor, baka pumalag ang isang starlet na kapangalan ng isang dating sikat na Japanese/Filipina swimmer noong late 80s. Ito raw kasi ang kasalukuyang kinukulit ng aktor na itetch. Palibhasa magkasama sila sa isang serye at hindi naman gaanong sikat pa ang girlita kaya binabalewala lang nito ang madalas na pagtabi, pagkurot at paghimas sa kanya nang nanggigigil na dating sikat na aktor.

***

Showbiz Inside Report ibabahagi ang life stories nina Luis Manzano at Ella Cruz

BUMUHOS ang emosyon ng actress-TV host na si Janice de Belen sa special birthday interview na ipalalabas ngayong Sabado (Nobyembre 10) sa top-rating at Twitter trending showbiz talkshow ng ABS-CBN na “Showbiz Inside Report.”

Sa espesyal na panayam ng kanyang anak sa “Budoy” na si Gerald Anderson, buong pusong inilahad ni Janice ang nilalaman ng kanyang puso bilang isang ina, aktres, at babaeng nagmamahal.

At nang tanungin si Janice ni Gerald kaugnay ng buhay pag-ibig nito at kung may balak pa itong magpakasal muli, hindi naiwasan ng aktres na mapaluha habang sumasagot.

“Siguro ang mission ko talaga sa mundo is to be a parent,” pahayag ni Janice. “Risk everything ako pagdating sa love. It’s supposed to be the best thing in the world pero dapat sarili mo muna mahalin mo.”

Bukod sa birthday special para kay Janice, tampok rin sa “Inay ng buhay ko” episode ng “SIR” ang actor-TV host na si Luis Manzano at ang “Aryana” tween star na si Ella Cruz. Paano pinrotektahan si Luis ng kanyang inang si Vilma Santos ng harapin nito ang pagsubok ng pakikipaghiwalay kay Edu Manzano? Gaano kalaking bahagi ng tagumpay ni Ella ang kanyang ina?

Huwag palampasin ang never-before-heard revelations nina Janice, Luis, at Ella sa top-rating at trending Saturday entertainment talkshow sa bansa, “Showbiz Inside Report,” pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN.

Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @SIRTVOfficial sa Twitter, o i-‘like’ ang Facebook fanpage na www.facebook.com/ShowbizInsideReport.AbsCbn.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com. Mabalos!         

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply