Ban sa anim na Korean noodles, alisin – Korean Embassy

NANAWAGAN ang Korean Embassy sa Department of Health (DOH) na tanggalin na ang ipinatutupad na ban sa anim na Korean noodle brands sa bansa.

Matatandaang una nang ipinabawi sa merkado ang mga naturang Korean noodles dahil nagiging sanhi umano ang mga ito ng kanser.

Ayon naman sa Korean Embassy, nagpalabas na ng sertipikasyon ang Korea Food and Drug Administration (KFDA)  na nagsagawa ng pagsusuri sa mga naturang produkto, at tiniyak na ligtas ang mga ito.

“KFDA had conducted a thorough test and issued a certificate on Nov. 7, 2012 saying that the level of benzopyrene found in the noodle powder—which ranges from 0.4 to 1.6 ppb—“was extremely low and has no harmful effect on the human body,” anang embahada.

Matatandaang ipinag-utos ng KFDA ang pagbawi sa mga merkado sa kanilang bansa ng siyam na Korean noodles matapos matuklasang may sangkap itong benzopyrene, na nagiging sanhi ng kanser.

Ibinunyag naman ng EcoWaste Coalition na sa kabila ng recall sa mga produkto sa Korea ay ipinagbibili pa rin ng ilang Korean stores sa Pilipinas ang mga ipina-recall na noodles, na kinabibilangan ng  Nong Shim: Spicy Neoguri, Mild Neoguri, Neoguri Cup Noodles (small and large), Saewootang Cup Noodles at Seng Seng Udong.

Idinulog ng EcoWaste ang insidente sa Philippines FDA na kaagad nagsagawa ng pagsusuri sa mga produkto.

Agad din namang nagsagawa ng voluntary recall ang importer ng nasabing mga Korean noodles habang hindi pa natatapos ang imbestigasyon at pagsusuri ng PFDA.

Matapos naman ang masusing imbestigasyon ng KFDA sa mga produkto ay sinasabing nakumpirmang ligtas ang mga noodles kung kaya’t maaari nang ibalik muli sa merkado.

Sinabi pa ng Korean Embassy na lahat ng foreign countries ay tinanggal na ang ban sa nasabing mga noodles maliban sa Pilipinas at Thailand kaya naman sumulat na ito sa mga awtoridad sa PIlipinas para sa agarang aksyon.

“The ban on its importation is seriously impacting the exporters and importers of the Philippines and Korea as well as the image of Korean-made noodles.  Given this serious situation, the Korean Embassy requested the appropriate measures of the Philippine government including the expeditious lifting of the ban on the six Korean noodle brands,” ayon pa sa Embahada.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply