Ban sa Korean noodles inalis na

korean-noodle1

KINUMPIRMA ng Department of Health (DoH) at Food and Drug Administration (FDA) na lifted na ang ban sa ilang Korean noodles na isinailalim sa recall dahil sa isyu ng chemical content.

Ayon sa DoH, napag-alamang mababa ang antas ng benzopyrenes sa nasabing mga noodles na mayroon lamang 5ppb o higit na mababa sa 10ppb limit na pinapayagan ng mga eksperto dahilan kaya nakikipag-ugnayan na ang DoH at FDA sa Department of Trade and Industry (DTI) at Bureau of Customs (BoC) na alisin ang ban laban sa anim na Korean brands simula ngayong araw.

Muli ring nagpaalala ang kagawaran sa publiko na huwag tangkilikin ang mga produktong walang nakalagay na supplier, expiry date at English translation  upang hindi mabiktima ng smuggled goods.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply