Bangis ng Marines

usapang mandaragat

AYON sa mga naitalang pagkakakilanlan sa Marines saanmang bansa at saanmang dako ng mundo, “kapag ang lahat ng paraan ay nagawa na, at kapag ang tungkulin ay mukhang imposible na, SEND IN THE MARINES!” ang aalingawngaw.

Ito, sa madaling salita, ang kahulugan ng kung ano ba talaga ang kakayanan at inaasahan mula sa Marines bilang isang espesyal na pwersang pandigma saanmang sulok ng daigdig.

Mula sa mga nakalipas na daang taon nang unang buuin ang mga Mandirigmang Pandagat o Marines ng mga Kanluranin o iyong mga taga Europe-US, ito ang nabuong reputasyon nila.

Nakilala sila bilang isang “rapid-deployment at amphibious strike force” na kahit maliit lamang ang bilang ay highly mobile, hard-hitting at expertly trained naman.

Upang maging Marines ay kailangang maging kabilang ka sa mga “rare breed of men” na may kakayanang harapin ang napakamapanganib na tungkuling lumusob sa isang baybaying dagat habang may kalaban na nag-aabang, handang depensahan ang sarili at may kakayanan ding lumaban.

Bukod pa rito, kasama sa tungkulin ng mga Marines ang i-“secure” ang nasakop na area sa baybaying dagat upang maging daan ng mga pwersang siyang makikipaglaban papaloob ng isang isla.

Samakatuwid, ang pagiging isang Marine ay nangangailangan ng malakas na tiwala sa sariling kakayanang makipaglaban at sa kakayanang makipaglaban ng mga kapwa niyang Marino o comrade in arms sa tabi nya.

Bunga ng mga kakayanang ito ng ating mga Mandirigmang Marino ay hindi nakapagtataka kung bakit ang misyon ng Philippine Marine Corps ay ang maglaan ng mga combined armed units (mga unit ng Marines na organisado at may kakayanan ‘di lamang sa infantry operations kundi pati na rin sa mga ope-rasyong artillery, armor, special operations at combat engineering) para manguna o tumulong sa iba’t ibang operasyon ng Philippine Navy at ng Armed Forces of the Philippines.

—ooo—

Belated Happy Birthday nga pala sa ating magigiting na Mandirigmang Marino ng Hukbong Dagat sa kanyang ika-62 na kaarawan noong Nobyembre 7, 2012.

Animnapu at dalawang taon na itong walang humpay na naglilingkod at nakikibaka para sa kapayapaan at kaunlaran ng Sambayanang Filipino.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply