Bangkay ng 2 bebot, natagpuan sa Maynila

crime5

NATAGPUAN ang bangkay ng dalawang babae sa loob ng isang bahay sa Yakal street, Sta. Cruz, Maynila kaninang madaling araw.

Ayon sa mga nakasaksi, may nakita silang lumabas sa naturang bahay na isang duguang lalaki na agad sumakay ng traysikel.

Sa kasalukuyan, hindi pa batid ang pagkakakilanlan ng mga biktima ngunit pinangalanan naman ang may-ari ng bahay ng kanilang mga kaibigan na sina Teresa Tan, 60-anyos; anak niyang si Evelyn Tan, 40-anyos; at kasambahay na si Cristina Barola, 22-anyos.

Base sa salaysay ng kaibigan ng pamilya na si Julie Sopelano, paalis sana ngayong araw patungong Beijing, China si Evelyn ngunit hindi ito sumasagot sa text at mga tawag upang sunduin sana ng driver ng rent-a-car na si Francis Lalin kaninang alas-4:00 ng madaling araw.

Dahil dito, agad silang humingi ng tulong sa  Barangay Captain Arsenio Dacanay.

Tinitingnang motibo ng awtoridad na biktima ang mga nasawi ng Akyat-Bahay Gang dahil sa labas ng bahay lumabas ang suspek at saka minartilyo pa ang gate sa harapan ng bago, na siyang dinaanan para tumakas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply