Bangkay ng babae, nakita sa trunk ng kotse

crimedeath

DAHIL sa mabahong amoy, natagpuan ang bangkay ng babae sa trunk ng kotse sa Caloocan City kagabi, Nobyembre 28.

Nakagapos ng alambre ang mga kamay, nakasuklob ng sako ang uloat may sugat sa ulo na sinasabing hinataw ng matigas na bagay nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Marilou Horje, 49, ng North Matrix Ville, Camarin ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-0 ng gabi, nakalanghap ng mabahong amoy ang mga kapitbahay ng biktima na nagmumula sa nakaparadang Honda (CTF-103) malapit sa bahay ng biktima.

Agad na sinabi sa mga barangay tanod ang nangyayari at nang buksan ang trunk ay tumambad ang bangkay ng biktima.

Nabatid na Martes ng madaling araw nang makita ng ilang residente ang kotse na nakaparada na.

Nagsasagawa na nang imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply