Bangkay ng beauty queen, natagpuan sa kotse ng drug trafficker

maria-susana-flores-gamez

CULIACAN, Mexico – Nagulantang ang awtoridad nang matagpuan ang bangkay ng  isang beauty queen sa Mexico sa loob ng isang sasakyan   matapos magka-engkuwentro ang mga sundalo at drug gangs sa estado ng Sinaloa sa Mexico, nitong Lunes ng gabi.

Nagtamo ng tama ng bala ng sa iba’t ibang bahagi ng katawan at namatay noon din ang biktimang si Maria Susana Flores Gamez  na nakasakay sa kotse ng mga drug traffickers.

Ayon kay Sinaloa State Prosecutor Marco Antonio Higuera, na-turnover na  ang mga labi ni Gamez sa kanyang pamilya para iburol ng ilanag araw .

Natagpuan ang katawan ni Gamez na tadtad ng bala katabi ang isang assault rifle.

Wala namang tinamaan na iba pang tauhan ng drug syndicate at maging sa panig ng awtoridad.

Hindi naman sinabi ng pulisya kung ginamit ito ni Gamez o nagkataon na nasa tabi langa niya ang armas nang maganap ang insidente.

Si Gamez ay kinoronahang Woman of Sinaloa nitong nakaraang Pebrero lamang.

Maalala na noong 2008, isa ring Mexican beauty queen ang ikinulong naman dahil sa iligal na droga.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply