Bangkay ng beybi nilapa ng askal

PINAGPISTAHAN ng isang asong kalye ang bangkay ng isang sanggol na inabandona sa bakanteng lote sa Calapan, Mindoro.

Sinabi ng pulisya na nadiskubre ang senaryo ng isang namumulot ng basura sa Barangay Pachoca may dalawa hanggang tatlong araw na ang nakalilipas.

Sa kuwento ng nakadiskubre na ayaw magpabanggit ng pangalan, nakita niya ang aso na may nginunguya na tila sariwang karne.

Nang tabuyin niya ang naturang aso at lumapit dito, napagtanto niya na ito pala ay isang putol na kamay ng sangggol.

Sa hindi naman kalayuan sa kanyang kinatatayuan, nakita rin nito ang sira-sirang kahon na naglalaman ng kalahating katawan ng sanggol na nakasilid sa plastic.

Lumabas sa resulta ng awtopsya sa bangkay ng sanggol, na ito ay 7 hanggang 8 buwan pero hindi malaman ang kasarian dahil ang ibabang parte ng katawan nito ay wala na.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply