Bangkay ng kelot iniluwa ng estero sa Tondo

POSIBLENG napadpad lamang ang bangkay ng 25-anyos na lalaki, matapos iluwa ng estero at makitang lulutang-lutang sa Vitas, Tondo, Manila kaninang umaga.

Kinilala ang biktima na si Juno Alro Anuevo, ng Brgy. 35 Zawata St., Pajo, Caloocan City.

Sa ulat ni Det. Amelito Lopez ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Section, alas-8:30 ng umaga, nang madiskubreng lulutang-lutang ang biktima sa Estero de Vitas , Tondo.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nabatid na nadulas ang lalaki habang naglalakad ang biktima sa gilid ng estero at nagtuloy-tuloy na nahulog at tangayin ng anod papalayo sa lugar.

Gayunman, ang bangkay ay kasalukuyan nasa Cruz Funeral Morgue para sa kaukulang awtopsiya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply