Bangkay ng OFW na naaksidente sa SoKor naiuwi na sa Pinas

NAIA-pic

NAIUWI na sa bansa ang labi ng overseas Filipino worker (OFW) na naaksidente sa isang gusali sa Seoul, South Korea noong Nobyembre 12.

Lumapag na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang eroplanong naghatid sa labi ni Sonny Ganio.

Namatay si Ganio makaraang bumagsak ang sinakyan nitong elevator sa pinagtatrabahuang kumpanya.

Inaasahan naman na alas-9:00 ng umaga ibibiyahe ang labi ng biktima pauwi sa Pola, Oriental Mindoro.

Una nang umapela ng tulong ang pamangkin ng OFW na si Efrelyn Ganio na maiuwi ang labi ng kaanak dahil wala na itong ligal na papeles sa Korea.

Ang biktima ay namatay sa Seoul, South Korea matapos bumagsak ang sinakyang elevator sa pinagtatrabahuhang gusali.

Ayon sa pahayag ng pamangkin na si Efrelyn Ganio, namatay ang kanyang tiyuhin makaraang masira ang cable ng sinakyang elevator
papunta sa ikaapat na palapag ng gusali.

Batay sa report na nakarating sa kanila, nakita na lang ang katawan ng kanyang tiyuhin sa ikalawang palapag at idineklara nang
dead-on-the-spot.

Ayon pa kay Ganio, Nobyembre 12 ng gabi nangyari ang aksidente at naireport sa Pilipinas ng Nob. 13, pero Nob.14 lang aniya nila ito nalaman.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply