Bangkay ng Pinay na nagbigti sa Malaysia, darating ngayong araw

NAKATAKIDANG dumating mamayang hapon ang bangkay ng overseas Filipino worker (OFW) na iniulat na nagpatiwakal sa Malaysia.

Makaraan ang limang araw, inaasahang lalapag mamayang alas-2:00 ng hapon ang Malaysaian Airlines lulan ang bangkay ni Aloha Magbanua, ng Bolo, Roxas City.

Ayon sa ulat si Magbanua ay nagbigti sa rest room ng Filipino workers resource center sa Kuala Lumpur noong nakaraang linggo.

Tiniyak naman ni Overseas Worker and Welfare Administration  (OWWA) Administrator Camelita Dimzon na ibibigay sa mga naulila ni Magbanua ang lahat ng tatanggapin nitong benepisyo kabilang na ang burial, scholarship at livelihood package.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply