Bangkay sa Gulf Mexico hinalang isang Pinoy

INAALAM na ng coroner sa Louisiana sa Amerika kung sa Pinoy worker ang natagpuang bangkay sa nasabing karagatan  na unang napaulat na nawawala kasunod  ng pagsabog sa oil rig sa Gulf of Mexico.

Base sa pahayag ng US Coast Guard, nakita ng isang supply vessel ang bangkay ng isang lalaki sa layong  2.5 milya mula sa Grand Isle kung saan naroroon ang sumabog na oil rig.

Kinumpirma ni Jefferson Parish coroner investigator Tommy Evans na walang ID na nakita sa naturang bangkay na isinailalim na sa awtopsiya.

Binabalak na  gamitin ang dental records o DNA tests upang alamin kung kay Jerome Malagapo nga ang natagpuang bangkay.

Una nang napaulat na nawawala si Malagapo makaraan ang insidente at hanggang ngayon ay hindi pa nakikita ang katawan nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply