Bantay ni Palparan, 5 pang partylist, pinaboran ng SC

supreme-court-of-the-philippines

MAKAKALAHOK sa susunod na halalan ang  partylist group ni dating Army General Jovito Palparan  at limang iba pa.

Ito ay matapos payagan ng Korte Suprema ang nasabing mga grupo na tumakbo sa midterm elections.

Sa isinagawang en banc session ngayong araw ng mga mahistrado, nilinaw na ang pinalabas na status quo ante order noon ay sumasakop din sa mga grupong Bantay ni Palparan at sa limang iba pa na kinabibilangan ng party list groups na  Alliance for Nationalism and Democracy (ANAD), 1Brotherhood for reform and Oneness-Philippine Guardians for Brotherhood Incorporated, Agapay ng Indigenous People’s Right Alliance (A-IPRA), Ako Agila sa Nagkakaisang Magsasaka (AKO Agila) at  1Ganap/Guardians.

Una nang nagpalabas ng SQA ang Supreme Court na pumapabor sa kahilingan ng AKO Bicol (AKB), Association of Philippine Electric Cooperatives (APEC), Aksyon Magsasaka-Partidoo Tinig ng Masa (AKMA-PTM), Kapatiran ng mga Nakulong na Walang Sala, Inc. (KAKUSA), 1ST Consumers Alliance for Rural Energy Inc (1-CARE), Association for Righteousness Advocacy on Leadership (ARAL) at  Alliance for Rural Concerns (ARC).

Ang SQA ay pinalabas ng SC upang maipreserba ang maayos na kalagayan bago magkaroon ng litigasyon, o ang sitwasyon na wala pang pinalalabas na kautusan ang Commission on Election kaugnay sa diskuwalipikasyon ng mga party list group.

Unang dumulog sa SC ang party list groups upang tutulan ang pagbasura sa kanila ng Comelec bilang kinatawan ng marginalized sector dahil sa paglabag ng komisyon sa kanilang karapatan sa due process.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply