Barangay Captain, 1 pa todas sa kalibre 45

NAGKABUTAS-BUTAS ang katawan ng isang barangay captain at kasama nitong kaibigan nang paputukan ng kalibre 45 sa Masbate kaninang madaling araw (Nobyembre 19), ayon sa ulat ng pulisya.

Dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng baril sa iba;t ibang parte ng katawan ang biktimang si Roman Toñacao, Kapitan ng barangay Mahayahay, Cawayan, Masbate.

Isinugod naman sa Cawayan District Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo at katawan ang isa pang biktima na si Edison Tarucan residente ng Barangay Begia, Cawayan pero namatay din ito.

Tinutugis na ngayon ng pulisya upang panagutin sa krimen ang sinasabing bumaril sa mga biktima na si Dario Pepito ng Cebu City.

Ayon kay Police Supt. Renato Bataller, Bicol regional police spokesman, naganap ang insidente dakong alas 12:15 ng madaling araw sa Gomez St., Barangay Divisoria, Cawayan.

Bago ito, pauwi na ang dalawang biktima at habang naglalakad nang biglang sinalubong ng suspect na si Pepito at sa hindi pa malamang dahilan ay saka pinagbabaril.

Nakatakas ang suspect habang nakarekober sa lugar ng 6 na basyo ng .45- caliber.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply