Baron Geisler nakalabas na sa kulungan; ‘di na kakasuhan

NAKALABAS na ang aktor na si Baron Geisler sa kulungan kaninang umaga.

Batay sa ulat sa radyo, ito ay matapos na iurong ng complainant na si Raymond Dela Rosa, kapitbahay ni Baron, ang reklamong physical injuries laban aktor.

Ayon pa sa ulat, sinabi ng kuya ng aktor na si Donnald Geisler, na nagkasundo na ang kanyang pamilya at pamliya ng sinapak na kapitbahay.

Humingi na rin aniya ng tawad si Baron kay Dela Rosa.

Mula sa piitan, idiniretso ang aktor sa kanilang bahay sa East Fairview, Quezon City.

Nakatakda namang komunsulta sa doktor ang aktor ngayong araw upang matiyak na walang nangyari dito sa loob ng kulungan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply