Baron Geisler nanapak ng kapitbahay, kulong

HIMAS-REHAS ang tinaguriang ‘bad boy’ ng bagong henerasyon ng show business personalities na si Baron Geisler matapos bitbitin ng awtoridad sa presinto dahil sa pananapak sa kanyang kapitbahay sa Quezon City, Biyernes ng gabi (Nobyembre 9).

Sinabi ng biktimang si Raymund Dela Rosa, na nanonood siya at ang kanyang mag-ina ng palabas sa telebisyon nang biglang dumating si Geisler na noon ay naka-inom ng alak sa kanilang bahay sa East Fairview dakong alas-7:00 ng gabi.

Ang bahay/sari-sari store ni Dela Rosa, ay may dalawang unit (bahay) ang layo mula sa tirahan ni Geisler, na bumili ng tinapay sa kanilang tindahan.

Nang komprotahin ni Dela Rosa si Geisler, umalma ito at dinampot ang monobloc na upuan at inihampas sa harapan ng kanyang tindahan.

Hindi pa nakuntento ang aktor at sinapok pa si Dela Rosa sa harapan ng kanyang mag-ina na naging sanhi para ma-trauma ang 3-anyos na anak ng biktima.

Mismong ang tiyahin ni Geisler ang nag-report ng insidente sa barangay officials na nagdala naman dito sa Quezon City Police Station 5 kaya natulog ito ng magdamag sa kulungan.

Nakatakda itong dalhin sa Quezon City prosecutor’s office kaninang umaga (Nobyembre 10) pero walang opisina kaya baka sa Lunes pa maisampa ang kasong physical injuries, malicious mischief at child abuse.

Ayaw namang magkomento ni Geisler hinggil sa insidente.

Nito lamang nakaraang taon, ipina-rehabilitate si Geisler ng 6 na buwan sanhi ng kanyang pagka-adik sa alak o alcoholism.

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply