Baron inabuso sa kulungan

daniel-and-enrique

SA LOOB ng 14 hours na pagkakakulong sa Station 5 ng QCPD dahil sa pananakit nito sa kapitbahay na si Ray dela Rosa ay nakaranas pala si Baron Geisler nang initiation mula sa mga preso partikular sa tinatawag na mayor sa loob ng kulungan.

Sinikmuraan daw ang aktor, binatukan, sinapak or something to that effect.

Sabi ng mga nakulong na, natural daw ‘yun. Kapag bagong pasok daw sa rehas ay ‘may pasalubong’. Karamihan ganun. Pero may mga kilala kaming nakulong na kahit dulo ng daliri ay hindi nasaling. Bakit? Tatay n’ya pulis, anak ng barangay kapitan at ng kilalang politiko.

Si Baron ay hindi naman iba sa mga taong ito. Kilala rin naman siya. At alam ng lahat na palaban siya, bakit siya nagawang saktan sa loob ng rehas na bakal? Sabi uli ng kausap namin, sinubukan daw ng mayor ang angas ng aktor. Mabuti na lamang at hindi siya lumaban, dahil kung ginagawa niya iyon, minasahe siya ng suntok ng mga lintek na preso. Style police pa naman ang tirada nila, doon ka titirahin sa parte ng katawan mo na hindi magkakaroon ng pasa para walang ibidensiya.

Pero kahit daw papaano ay may respeto pa sa magaling na aktor ang mga inmates. Why? hindi siya nilagyan ng pomada sa wetpaks. Hahaha!

“Well at first pagpasok ko, parang may initiation iyan na itatakal ka pero naging close kami sa loob. Tapos sinabihan ako ng mga inmates na, ‘Ayos ka pala Baron pero pasensya ka na kung nasaktan ka namin, hindi naman namin kagustuhan iyan eh, binulungan lang kami. Kung hindi namin gawin, baka kami naman ang masaktan,’” pahayag naman ng aktor sa ABS CBN.

***

Daniel gaganti sa pagkatalo kay Enrique

MULING maghaharap sa basketball ang mga leading man ni Kathryn Bernardo sa “Princess and I” na sina Enrique Gil at Daniel Padilla sa pinakaaabangang game 2 ng ‘Princess and I Grand Royal Fair’ na gaganapin sa Linggo (Nobyembre 18) sa Ynares Center sa Antipolo City.

Magbubukas ang gates ng Ynares para sa fans sa ganap na 4pm at pormal na magsisimula naman ang basketball match ng 7pm.

Kung sa una nilang paghaharap noong Setyembre ay si Enrique ang nanalo, ang game 2 kaya ay para kay Daniel na? Madala kaya nila Enrique at Daniel sa game 2 ng kanilang basketball match ang tumitinding tensyong namamagitan sa mga karakter nila sa “Princess and I” bilang sina Dasho Jao at Gino.

***

26th Star Awards for TV on Nov. 18

SA NOVEMBER 18 na ang 26th Philippine Movie Press Club, Inc.  Star Awards for TV kaya abalang-abala na naman ang club sa pamumuno ni Pangulong Roldan Castro at ang Airtime Marketing (Tessie Celestino-Howard, producer) na lalong magiging pabuluso ang awards night sa darating na Linggo.

Gaganapin ang 26th PMPC Star Awards for TV sa Henry Lee Irwin Theater, Ateneo de Manila, Katipunan Road, Quezon City, 6 p.m. Ang telecast ay mapapanood sa November 25, sa Sunday’s Best ng ABS-CBN sa ilalim ng direksyon ni Al Quinn.

Ang hosts ng awards night ay sina Kris Aquino, Toni Gonzaga at Aga Muhlach. Posibleng makasama rin nila ang isa pang TV host-actress. Mga mahuhusay na singer ang tampok sa opening number na sina Erik Santos, Angeline Quinto, Jay-R at Karylle.

May song number si Dawn Zulueta para sa natatanging alagad ng telebisyon awardee na si German Moreno hinggil sa kanyang 50th anniversary sa showbiz.

May production number si Ms. Ai Ai delas Alas kasama ang kanyang dancers. Finale si Rufa Mae Quinto sa production number na ‘Unity’ na kung saan ay may representative ang bawat giant networks  gaya nina Aljur Abrenica at Mark Herras sa GMA 7, John Prats at Gab Valenciano sa ABS-CBN 2, Rodjun Cruz sa TV5 kasabay ang ilang komedyante na sina Bayani Agbayani, Candy Pangilinann, Minnie Aguilar at Jason Gainza na magpapasayaw sa audience habang ipinapakita ang VTR of all stations’ employees dancing to Gangnam style.

Magkakaroon din ng tribute at bibigyan ng Posthumous award ang King of Comedy na si Mang Dolphy plus ang highlight ng programa, ang pagpili sa mga mananalo.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply