Bartolome ‘di pa nagpapaalam sa kapulisan

SA kabila ng umuugong na balitang ilalagay siya sa non-duty status, ginagampanan pa rin ni National Police chief Director General Nicanor Bartolome ang kanyang trabaho bilang pinuno ng kapulisan, ayon sa pahayag kaninang umaga ng PNP spokesman.

Sinabi ni PNP spokesman Chief Superintendent Generoso Cerbo Jr. na sa kabila ng matunog na pahayag ni Pangulong Noynoy Aquino, sinabi nitong hindi pa nagpapaalam si Bartolome sa iba’t ibang kapulisan sa bansa.

Sa katunayan, sinabi ni Cerbo na ang pagbisita ni Bartolome sa Davao City nitong nakaraang linggo ay oportunidad sa kanya para magpaalam sa mga  police personnel sa buong bansa pero hindi nito ginawa.

Ang espekulasyon sa pagbaba sa puwesto ni Bartolome bago ang kanyang retirement date sa Marso 2013 ay nagigting mula kay Pangulong Aquino na palitan ito at ilagay sa non duty status.

“I’ll discuss that with him. And he might go on what is called the ‘no duty status.’ We’ll discuss exactly when. That might be the end November or sometime in December,” pahayag ni Aquino.

Si Bartolome na miyembro ng Philippine Military Academy Class of 1980, ay nakatakdang magretiro sa Marso 16, 2013 kapag naabot na niya ang mandatory retirement age na 56-anyos.

Nais ni Aquino na palitan na si Bartolome bago ang Mayo 2013 elections para masiguro ang peace and order sa nasabing okasyon.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply