Bartolome pinayuhang magretiro na lang

PINAYUHAN ni Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon na mag-early retirement na lamang si PNP Director General Nicanor Bartolome kung magpapatuloy lamang ang kanyang floating status  hanggang sa Marso.

Ginawa ito ni Biazon kasunod ng mga batikos kaugnay sa plano ni Pangulong Aquino na ilagay sa non-duty status si Bartolome.

Ani Biazon, makabubuti para kay  Bartolome  ang maagang  magretiro na lamang upang magampanan ng bagong itatalagang PNP Chief ang tungkulin nito lalo na ang paghahanda ng kapulisan sa pagbibigay seguridad sa nalalapit na halalan.

Kailangan aniya ng isang lider ng PNP na siyang tututok partikular sa mga problema ng private armies at iba pang armadong grupo gaya ng mga cafgu na nagagamit ng mga pulitiko na dapat sana’y kontrolado ng pulisya.

Mahalaga aniya na masubaybayan ng itatalagang PNP Chief ang development sa mga plano laban sa mga nakaambang banta sa eleksyon at implementasyon ng batas at seguridad ng PNP.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply