Barumbadong may-ari ng security agency

KATAKOT-TAKOT na panlalait ang inabot ng mga kawani ng SBMA Law Enforcement Dept. (LED) personnel sa Subic Bay Freeport mula umano sa mag-amang may-ari ng 10-8 Security Agency.

Ito Ang Totoo: hindi mga pulis sa ilalim ng Philippine National Police ang SBMA police officers dahil sa bisa ng batas na lumikha sa SBMA, may sarili itong tanggapan, ang LED, na gaganap sa mga dapat gawain ng pulis sa loob ng Freeport.

Ito umano ang ipinandalaiti nitong 23-year-old na si Allan Francis Abundo nang maabala sa Rizal Gate ng Freeport dahil sa random check.

Ayon sa reklamong isinampa ni SBMA Police Officer Artemio Pungtilan, 47, sa Prosecutors’ Office ng Olongapo laban kay Allan, ama nitong si Alex, isang tauhan nila sa security agency at isang Jane Doe, hindi pinansin ni Allan ang pagpapahinto sa kanya kaya napilitan siyang katukin ang likurang bahagi ng minamaneho nitong sasakyan.

Nang huminto ang sasakyan, bumukas ang bintana nito at arogante umanong sinabihan ng bata ang law enforcer na “Bakit iyong nauna sa akin di mo tsinek, security guard ka lang, security lang lisensiya mo!” Dagdag pa nito: “Putang ina ka, bakit ‘di ninyo ako paalisin, ano ba ang kasalanan ko.”

Ilang minuto lang ay dumating ang Alex Abundo na may kasamang dalawa pa, at kinuwelyuhan agad si Pungtilan kaya nagtalsikan ang mga butones ng uniporme nito saka nakisali na rin ang dalawa.

Pinagsasalya at pinag-uumpog sa guard shack ang nagmukhang-tangang Pungtilan dahil kahit naka-uniporme nang matikas ay walang magawa sa pananakit, pambabastos at panlalait ng mga Abundo.

Nang madala sa SBMA LED Headquarters, maging ang mga opisyal at tauhan doon ng tanggapan ay pinaghahamon at pinaglalait ng mga lekat, na bukod sa patotoo ng mga saksi ay may video pang nakunan sa pamamagitan ng isang cellphone.

Sa records ng SBMA, maraming violations ang 10-8 Security Agency na ayon kay LED Head Gen. Orlando Maddela (PNP ret.) ay expired na ang lisensiya para makapagnegosyo sa Freeport noon pang Setyembre 2012.

Ito Ang Totoo: kung ganito ang asal ng may-ari ng security agency na may mga tauhan at baril na nakamamatay, walang ligtas na tao, lalo na iyong ordinaryong mamamayan sa Freeport at maging sa lungsod ng Olongapo.

Ito ay dapat tutukan ng PNP SAGS-D kung dapat pa bang bigyan ng lisensiya ang 10-8 Security Agency, at ng SBMA kung papayagan pa itong makapagnegosyo sa Subic Freeport. Ito Ang Totoo!

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply