Batang Pinoy aarangkada sa Mindanao

NAKATAKDANG simulan sa Nobyembre 7 hanggang 10 ang Mindanao leg ng POC-PSC Batang Pinoy 2012.

Inaasahan nina Philippine Sports Commission chairman Richie Garcia at Dapitan City Mayor Patri Bajamunde-Chan na makakadiskubre sila ng bagong talento sa Mindanao leg lalong lalo na sa track and field at sa swimming.

Tinatayang 11 sports events ang paglalabanan ng mga batang may edad 15 pababa kung saan 10 rito ay magsisilbing qualifiers para sa Iloilo National Finals.

Bukod sa track and field at swimming na gaganapin sa Jose Rizal Memorial State University Sports Complex, ang iba pang sports na nakahilera ay ang taek­wondo, badminton, boxing, chess, arnis, lawn tennis, karatedo, table tennis at pencak silat na isang national final event.

Lahat ng mga qualifiers sa bawat leg ay magkikita sa nasabing National Finals na gagawin sa Disyembre 5 hanggang 8.

Samantala, ang top performers ng Batang Pinoy ay puwedeng makasama sa national team na kakatawan sa bansa sa 2014 Youth Olympics sa Nanjing, China.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply