Batikos ng media sa gobyerno inalmahan

pnoy-LP

HINIRITAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) na pansinin naman ang mga “good news” sa bansa.

Sa isinagawang pagbubukas ng 38th Annual Top Level Management Conference sa Tagaytay City ay inamin ng Chief Executive na nalulungkot siyang mas napagtutuunan ng pansin ang mga pagbatikos sa gobyerno habang nananamlay naman na maisapubliko ang “good news” gayong ito ang pinag-uusapan sa international community.

Aniya, tila naging hobby na ng mga miyembro ng media ang mambatikos at iwasan na parang sakit na ketong ang mga magagandang balita.

Aniya, dapat na panatilihin ang pagiging patas sa pagbabalita dahil lahat naman ay makikinabang kung nakikilala ang positibong kaganapan sa bansa.

Binigyang diin nito na hindi naman masama kung ibalita ang papuri ng international community sa Pilipinas, paglago sa ekonomiya at mga repormang naisagawa at nadagdag na bilang ng nakikinabang sa Pantawid Pamilyang Pilipinong Program (4Ps).

Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ng Chief Executive ang KBP dahil sa pagtataguyod nito ng mga pamantayan sa pagbabalita.

Sinabi nito na mabuti raw at nariyan ang KBP na nagsusulong ng mga ethical standards sa media kasabay ng pagbibigay proteksyon sa karapatan at kapakanan ng mga miyembro.

Samantala, pinasalamatan din ang Pangulo sa bayanihan ng KBP sa gobyerno sa pamamagitan ng pamamahayag ng mga mahahalagang impormasyong makakatulong sa publiko.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply