Bayad sa kinokolektang basura inirekomenda ng MMDA

basura-pa-rin

INIREKOMENDA ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pamahalaan na magpasa ng batas kaugnay sa pagbabayad ng itinatapong basura sa lansangan.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, dapat mayroong bayad ang pagtatapon ng basura ng mga residente ng Metro Manila.

Ani Tolentino, ito ay upang maiwasan ang pagkalat ng basura na basta na lamang itinatapon ng mga residente sa lansangan, maging sa estero.

Sa ilalim ng panukala, titimbangin ang basurang makokolekta at magiging per kilo ang bayad.

Batay sa skema, magiging door-to-door din ang pangungolekta ng basura at kasabay nito ang mahigpit na pagpapatupad ng anti-littering law.

Kapag hindi nakabayad ay hindi kokolektahin ng mga basurero ang basura.

Ayon kay Tolentino, ito na ang nakikitang resolusyon ng MMDA sa lumalalang problema ng basura sa Metro Manila.

Patunay dito ang tone-toneladang basura na inanod sa Roxas Boulevard mula sa Manila Bay nang tumama ang malalaking alon na dulot ng bagyong Gener na galing umano mismo sa mga residente at establisimyento sa Metro Manila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply