Bayad sa text messaging 80 sentimo na lang

SIMULA ngayong araw  ay 80  sentimo  na  lang  ang bayad sa kada  text  sa  Smart, Globe at iba  pang  telecommunication  company  sa  bansa.

Ito’y  matapos tapyasan ng 20  sentimo ang bayad sa kada-text  mula sa dating P 1.00.

Ito ay ayon na rin sa utos ng National Telecommunication Commission (NTC)  sa  pangunguna  ni Engr.  Edgardo  Cabarios  director  ng Common  Carrier  Authorization  Department  ng  NTC  sa Smart Communications, Globe Telecoms at Digitel Mobile Philippines.

Nauna  rito   nagsampa ng kasong administratibo ang NTC sa Telcos dahil sa hindi pagsunod ng naturang mga kumpanya sa memorandum circular nito noong December 1, 2011 na nag-uutos na ibaba ang SMS rate sa post paid at prepaid  na sinisingil sa mga subscribers.

Ayon  sa  NTC  bukod  sa pagbaba sa 80 cents ng halaga ng per text , pinagmumulta din ang mga telecom company ng P200.00 per day  o P 75,000  dahil sa hindi pagsunod sa naturang order.

Bukod dito, pinagsusumite din ng NTC ang telcos ng kanilang  records at reports hinggil sa off net SMS ng lahat ng kanilang subscribers na una ng siningil ng piso sa kada text.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply