Bebot dumayb mula sa 7th floor ng condo, patay

crime3

TODAS ang isang babae makaraang tumalon sa ikapitong palapag ng Grand Towers Manila Condominium sa Malate, Maynila.

Agad na nasawi ang hindi pa nakilalang biktima na inilarawan lamang na may edad na 19 hanggang 20,  5’6″, mahaba ang buhok at may kulay, naka-maroon na shorts at round neck t-shirt na may logo ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) Institute of Human Nutrition and Food.

Sinasabing nagpatiwakal ang biktima na nakuhanan pa ng closed-circuit television (CCTV) kung saan mula 29th floor ay nag-elevator pababa ng 7th floor saka tumalon.

Hindi naman kilala ng mga nakatira sa naturang condo ang biktima.

Pasado alas-8:30 ng umaga ngunit wala pa ring nagke-claim sa bangkay ng biktima habang hindi rin nagtugma sa mga pinto sa palapag ang narekober na susi sa bulsa ng babae.

Kasalukuyang nakalagak ang bangkay ng biktima sa St. Ivan’s Funeral Homes sa Escoda.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply