Bebot dumayb sa gusali sa Ortigas, todas

(UPDATED) NAGKALASOG-LASOG ang katawan at halos hindi na makilala ang isang babae makaraang dumayb mula sa ika-27 palapag ng Prestige Tower sa Garnet Road, Ortigas, Pasig City, pasado alas-9:00 ng umaga kanina.

Sa ulat sa telebisyon, sinasabing tumalon mula sa ika-28 palapag ng Prestige Tower, ang biktima na kinilalang si Josephine Maranan na kamuntik pang bagsakan ang isang lalaki.

Nabatid pa na pinigilan ng ilang tauhan ng tower ang biktima na ayon sa ulat ay dmaranas ng matinding depresyon ngunit itinuloy pa rin nito ang pagtalon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply