Bebot kalaboso sa pagpupuslit ng damit

KALABOSO ngayon ang isang 45 anyos na ginang makaraang mang-umit ng damit sa loob ng Shopping Mall sa Pasay City.

Nahaharap ngayon sa kasong theft (shoplifting) ang ginang na kinilalang si Marlyn Sanchez, residente ng 921 Gerardo St., Sampaloc, Manila.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Rodolfo Suquiña, naganap ang insidente alas 8:00 kagabi nang pumasok ang suspek sa loob ng SM department store na nasa Mall of Asia, Pasay City.

Naglimot sa loob ng tindahan ang ginang at nagsukat ng mga damit na blouse bago nagpalinga-linga para alamin kung may nagmamasid sa kanya.

Hindi alam ng suspek na nakatago at minamanmanan siya ng Civilian Guard na si Jose Intia Jr., nang ipasok ng ginang ang anim na damit na Samlin na nagkakahalaga ng P6,018.50 sa kanyang tiyan para magmukhang buntis.

Dali-daling lumabas ng tindahan ang ginang na hindi nagbabayad sa kahera kaya hinabol ito ng guwardya at nakuha sa pag-iingat nito ang inumit na damit.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply