Bebot kulong sa panunuhol sa mga pulis

behind-bars-3

KASAMANG ikinulong ang isang bebot ng dalawang lalaki na nahulihan ng shabu at nakaw na motorsiklo makaraan masita dahil walang helmet sa Malabon City kagabi, Nobyembre 13.

Nahaharap sa kasong corruption of public official si Maricon Velasco, 22 ng Langaray St., Caloocan City habang carnaping naman sina Albert Sia ng Langaray ng lungsod at Mark Joseph Cortez, 27 ng Ilang-Ilang st., Tanza, Navotas.

Sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi, nasita ang dalawang lalaki dahil walang suot na helmet habang dala ang Yamaha Nouvo (UP-8607) sa Naval St., Flores, Malabon City.

Walang naipakitang lisensiya ang driver na si Sia at nang kapkapan ay nakuhanan pa ng dalawang sachet ng shabu si Cortez na naging dahilan upang dalhin sa presinto.

Sa pagbeberipika ay nalaman na ang dalang motorsiklo nila Sia ay pag-aari ni Frelaine Marie Raymundo na hiniram at hindi na isinauli ng isang Roel Fortunato noong Mayo, 2012.

Sinuhulan ni Velasco ng P1,400 ang mga pulis upang pakawalan ang dalawang lalaki subalit isinama na siyang isinelda at sinampahan ng nasabing kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply