Bebot na bigtime tulak tiklo sa PDEA

ISANG hinihinalang big-time na babaeng tulak ng shabu ang nasakote ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust sa Quezon City, iniulat ngayon.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., ang nahuling suspek na kinilalang si Norhata Unda, 29- anyos at residente sa Alabang, Muntinlupa

Si Unda ay nadakip noong October 29, 2012, nang pinagsamang-puwersa ng PDEA Regional Office 3 (PDEA RO3) sa pamumuno ni Director Carlos Flores Jr. at PDEA Regional Office-National Capital Region (PDEA RO-NCR) sa ilalim naman ni Director Wilkins Villanueva sa isinagawang operasyon sa Quezon City, bandang alas-8:45 ng gabi.

Ayon sa ulat nadakip si Unda matapos bentahan umano nito ng dalawang sachet ng shabu na may bigat na 50 gramo ang poseur buyer ng PDEA kapalit ng halagang P500 marked money.

Pansamantalang nakapiit sa PDEA RO3 jail facility si Unda matapos itong kasuhan ng paglabag sa Sale of Dangerous Drugs (Section 5) at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (Article II of Republic Act 9165).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply