Bebot na mandurukot sa LRT2 kalaboso

BINITBIT ng duty sentinel ng LRT Line 2 ang isang babaeng pasahero matapos na dukutan ang kapwa nito pasahero habang naghihintay ng tren sa Legarda Station sa Maynila.

Kinilala ang binitbit na si Evs Ann Alcones, 32, dalaga at nakatira sa Quiapo, Maynila.

Ang suspek ay dinala sa Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS) ng mga elemento ng Regional Public Safety Batallion na nakatalaga bilang duty sentinel sa LRT Line 2 na sina PO1 Energen Calmapa at PO1 Dennis Ecal.

Dinampot ang suspek matapos na ireklamo ng biktimang si Michelle Ramirez, 22, dalaga Xavier Hills Tower 3 na matatagpuan sa N. Domingo sa kanto ng Gilmore, Quezon City.

Ayon kay Ramirez, naghihintay siya ng tren sa Legarda Station patungong V. Mapa Station  dakong alas 9:40 kagabi nang mapansin niyang ninanakawan siya ng suspek.

Nakuha ng suspek sa biktima ang iPhone 4 na nagkakahalaga ng P16,500 na agad ring naibalik nang mahuli ang suspek.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply