Bebot na pinatay sa motel, inilibing na

INIHATID na sa kanyang huling hantungan ang babae na sinakal at pinatay ng pulis-Maynila sa loob ng isang motel sa Sampaloc, Maynila.

Kasabay ng paglibing sa biktimang si Kylle Ann Baroca sa Manila North Cemetery ngayong umaga, ay hustisya naman ang sigaw ng kanyang mga kaanak .

Nabatid na sinagot ng loKal na pamahalaan ng Maynila ang pagpapalibing sa biktima.

Nasa kustodya naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang dalawang anak nitong na dalawang-taon at apat-na-taong gulang pa lamang.

Nauna nang sumuko ang suspek na si PO2 Ronald Fontejon na nakakulong ngayon sa Manila Police headquarters at nahaharap sa kasong murder.

Samantala, siyam na testigo na rin ang lumutang sa MPD-Homicide Section upang magpatunay na ang suspek ang huling kasama ng biktima bago ito natagpuang patay.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply