Bebot na tulak, arestado ng PDEA

ISANG babaeng tulak ng iligal na droga at itinuturing na No. 3 sa order of battle ng PDEA sa Davao City ang nahuli ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa aktong binebentahan ng shabu ang isang undercover agent kasunod ng isinagawang entrapment operation laban sa kanya noong November 8, 2012.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang nahuling suspek na si  Arlene Brigoli, 40 anyos, at residente sa  No. 95, Sto. Niño Purok 1, Barangay 37-D, Mabini Boulevard, Davao City.

Isinagawa ng PDEA RO-11 ang transaksiyon sa pagitan ng PDEA undercover agent at Brigoli sa  No. 95, Sto. Niño Purok 1, Barangay 37-D, Mabini Boulevard, Davao City .

Matapos umanong tanggapin ni Brigoli ang halagang P1000 marked money kapalit ng shabu ay   dito na siya dinakma ng mga tauhan ni Director Emerson Rosales ng RO-11

Nakuhanan pa ng karagdagang apat na sachet ng shabu at isang pakete ng pinatuyong marijuana na may bigat na 250 gramo at mga drug paraphernalia at cellphone

Pansamantalang nakapiit si Brigoli sa Davao City Police Office (DCPO) Detention Facility.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply