Bebot na tumalon sa condo kilala na `

crime3

HINDI na pinaimbestigahan pa ng mga kaanak ng babaeng tumalong mula sa ika-7 palapag ng isang condominuim sa Malate, Maynila nitong Huwebes ng hapon.

Kinilala ng kanyang mga kaanak na nagtungo sa St. Yvan Funeral Morgue ang bikima na si April Dianne De Lacura, 20 anyos.

Tumanggi naman ang pulisya na magbigay pa ng anumang detalye sa pagkatao at motibo ng ginawang pagtalon ng biktima dahil sa kahilingan ng pamilya nito.

Si Lacura ay tumalon sa ika-7 palapag ng Grand Towers Manila Condominuim sa P. Ocampo St., Malate ng dakong 4:00 ng hapon.

Nang review-hin ang video na kuha sa close-circuit television (CCTV) ang insidente nakita na sumakay ang biktima sa elevator mula sa 29th floor at lumabas sa elevator sa ika-7 palapag ng gusali.

Lumakad pa ang biktima sa mga amenities ng condominium tapos ay umakyat umano sa concrete walling na limang talampakan ang taas, hinubad ang suot na tsinelas at ginamit ang kulay pink na face towel upang makarating sa planters box na ginamit na hagdanan patungo sa concrete fence at pagdating doon ay saka lumundag.

Lumagapak ang bikima, ilang metro lamang ang layo kay Lucky Tiquio, na noon ay nakatayo  sa lugar at nakita pa  nito ang pagbagsak ng biktima na kung saan ay nagkabali-bali ang buto nito at tumama ang ulo sa semento.

Nabatid naman na noong oras na iyon ay isang security guard lamang ang naka-duty at nagsasagawa ng roving sa gusali.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply