Bebot nahulog sa bintana ng motel, kritikal

KRITIKAL ang isang misis nang mahulog sa bintana ng isang motel na napagkamalan niyang pintuan ng comfort room matapos mag-check-in kasama ang isang negosyante kaninang madaling araw, sa McArthur Highway, Brgy. Potrero Malabon City.

Kasalukuyang inoobserbahan ang biktimang si Mary Grace Segovia sa Manila Central University Hospital (MCU) sanhi ng pagkabagok ng ulo sa semento.

Sa imbestigasyon ni PO3 Gerry dela Torre, ng Station Investigation Division (SID) ng Malabon police, alas-5:00 kaninang madaling-araw nang mahulog ang biktima mula sa ikalawang palapag ng Victoria Court sa nasabing barangay.

Napag-alaman na hatinggabi nang pumasok sa nasabing motel ang negosyanteng si Christopher Lim, ng 2256 Saint Peregren Prodon Gen. T. de Leon kasama ang biktima.

Inakala umano ng biktima na pintuan ng comfort room (CR) ang kanyang binuksan kaya nahulog na tumama ang ulo sa semento.

Agad namang tumalima sina P02 John Cesar Mendoza P01 Oliver Santiago at lima pang mga barangay tanod sa lugar at dinala ang walang malay nang biktima sa nasabing ospital.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam kung sadyang tumalon ang biktima.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply