Bebot niratrat, tigbak sa Kyusi

TODAS ang isang hindi pa nakikilalang babae matapos pagbabarilin sa Murphy Cubao, Quezon City Martes ng madaling araw.

Inilarawan ang biktima na nasa edad 20 hanggang 25 years old, nakasuot ng puting sando, blue pants, itim na blazer at nakasuot ng dilaw na tsinelas.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Station 7 Cubao, natagpuan ang bangkay ng babae sa 18th  Avenue, corner Don  Jose St. Brgy. San Roque Murphy Cubao, QC dakong alas-5:00 ng madaling araw kanina.

Sinabi ni SPO1 Fernando Santiago desk officer na isang Montero na sasakyan na kulay dark ang pumarada sa lugar saka nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril.

Makalipas ang ilang segundo umalis ang naturang sasakyan at natagpuan ang biktima na nakahandusay at wala nang buhay sa kalye.

Inaalam na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima dahil walang nakitang identification card dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply