Bebot patay sa ambush sa Naga

PATAY ang isang ina ng tahanan, habang sugatan ang kanyang anak nang ambusin ng tatlong lalaki habang patungo sa isang hearing sa Sitio Grayrock, Barangay Pangdan, Naga, Cebu.

Kinilala ang biktima na si Margarita Capablanaca, 50, habang ang anak nito ay si Joel Capablanaca, 33.

Sa imbestigasyon, sakay ng bus upang dumalo sa hearing sa kasong frustrated murder sa Palace of Justice ang mag-ina nang sundan ng kanyang anak na si Joel, dahil sa nakita niyang isang motorsiklo na may tatlong lalaki na sumusunod sa una.

Nang makalapit sa mag-ina ang motorsiklo ay agad bumunot ng kalibre .45 baril ang mga suspek at pinaputukan ang dalawa.

Umabot sa 12 tama ng bala ng baril ang tumama sa katawan ni Margarita.

Inaalam na ang pagkakilanlan ng mga suspek.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply