Bebot patay sa bugbog sa Tondo

dead-inmate

LAMOG ang katawan sa bugbog at pasa ang isang babae na natagpuang patay kaninang umaga sa Vitas, Tondo, Maynila.

Inilarawan ang biktima na nasa edad 25-30, may taas na 5’2” hanggang 5’4, brown complexion,  nakasuot  ng pink na long sleeve na may markings na “Sault” at pulang long pants.

Ayon kay SPO1 Jonathan Moreno, alas 6:30  ng umaga kanina nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa tabi ng Harbour Center Road 10, Vitas, Tondo, Maynila.

Nauna rito, nag-iikot si Ronald Directo,  security guard  ng Harbour Center  nang mapansin ang ilang mga nag-uusyuso sa lugar kaya nilapitan nito at inusisa.

Nang makita ang bangkay  ay agad niyang ipinagbigay alam sa MPD-Station 1.

Lumalabas sa pagsusuri na may sugat sa ulo at maraming mga pasa sa katawan ang biktima  na indikasyon na pinahirapan ito sa bugbog na sanhi ng kanyang kamatayan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply