Bebot sinapak ng barumbadong Koreano

NAHAHARAP sa patong-patong na kasong kriminal ang isang barumbadong Korean national makaraang suntukin, itulak at pagmumurahin ang isang babaeng pulis sa loob ng istasyon ng pulisya sa Taguig City, kagabi.

Nahaharap sa kasong direct assault at maliscious mischief ang suspek na si Choung Youn Jin, 28.

Sa ulat na ipinadala ng Taguig Police sa National Capital Regional Police Office, naganap ang insidente alas-7:30 Lunes ng gabi, November 12  sa loob ng Fort Bonifacio Police Community Precinct sa Brgy. Fort Bonifacio.

Nabatid na sobrang lango sa alak ang suspek nang ibaba ng driver ng taksi na nasakyan nito.  Ayon sa driver, hindi umano sila magkaintindihan ng dayuhan nang ito ay magpapahatid, kaya sa istasyon ng pulisya na lamang niya itinuloy.

Sa loob ng PCP sa Barangay Hall, kinukuwestyon ng duty officer na si SPO1 Raquel Simon si Jin nang pagmumurahin siya nito, isinalya sa dingding ng opisina, hinablot ang kanyang uniporme at sinuntok pa sa braso.

Agad namang pinagtulungang awatin ng mga pulis at tanod ang lasing na dayuhan at inaresto.

Ipinaalam na rin ng Taguig Police ang insidente sa Korean Embassy sa bansa upang mapalayas ito pabalik ng Korea.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply