Bela Padilla, ayaw pag-usapan ang boyfriend niyang ex-bf ni Maxene Magalona

bela-padilla

PAGDATING sa love life, ayaw talagang pag-usapan ni Bela Padilla ang lalaking nali-link sa kanya na rating boy -friend ni Maxene Magalona. Minsan ring na-link kay Bubbles Paraiso, na naging dahilan ng gap noon nina Maxene at Bubbles.

Non-showbiz ang sinasabing boyfriend raw ngayon ni Bela, na ngayo’y inspired sa acting dahil sa pagtaas sa ratings ng Magdalena, sa afternoon primetime ng GMA 7, na kung saan partner ni Bela sina Pancho Magno at Dion Ignacio.

Katwiran ni Bela, hindi naman taga-showbiz ang binata na galing sa pamilya na may produktong ice cream na may brand name na Arce. Ayaw rin daw niyang ma-intriga. Mas gusto niyang maging tahimik ang personal na buhay ni- ya. Ayaw niyang pinag-uusapana ng tungkol sa kanyang personal na relationship.

Gusto lang ni Bela na pag-usapan ang yumayabong na career dahil bida na siya ngayon sa Magdalena kahit pa sexy at daring ang role niya rito. Istorya ito ng babaing napunta sa daigdig ng prostitution na hindi na naman niya kagustuhan.

Pero pinag-usapan kay Bela ngayon sa soap opera niya ang galing niyang gumiling bilang dancer sa club. Gayundin ang love scenes niya kay Pancho kung saan kinainggitan siya ng kanyang mga kabaro dahil super macho ang katawan ng sexy actor.

First time na magpa-sexy si Bela at may K naman pala siyang gawin ang ganitong mga eksena.

000

MASAYANG ikinuwento sa amin ni Andrea Torres na hanggang ngayon ay idol pa rin niya si Maricel Soriano. Hanga na siya kay Maricel noong bata pa siya at hanggang mag-teenager siya ay hindi niya kinalilimutang panoorin si Marya sa movies at TV programs.

Kapag natutuwa si Andrea sa acting ni Maricel, ginagaya niya ito sa harap ng salamin kaya alam ng mother niya na hilig ng anak niya ang pag-a-artista kahit noong bata pa siya.

Kaya naman nang ma-discover sa mga VTR sa commercial, nagkasunud-sunod na ang kanyang offers. Dahil sa kanyang di na mabilang na pinasukang commercials, na ang latest ay ang Tropicana drinks na kapartner niya’y si  John Lloyd Cruz, nakuha siya bilang artista rin sa telebisyon.

Pinapirma na siya ngayon ng Artist Center ng GMA 7 at co-manager ang APT Productions.

Unang lumabas si Andrea sa Cupid Heart tapos nasundan na ito ng mga soap opera ng GMA 7.

Napansin sila ni Mikael Daez sa My Beloved kaya sila ang pinagtambal sa no. 1 ngayong afternoon soap opera ng GMA7, ang Sana’y Ikaw na Nga.

Kahit triple characters ang ginagampanan ni Andrea sa Sana’y Ikaw na Nga, hindi umaangal ang dalaga sa kanyang roles. Bagkus, kinukonsider niya itong hamon sa kanyang kakayahan bilang artista.

Tulad ni Maricel Soriano na matapang, matapang rin si Andrea na pasukin ang lahat ng roles na ibinibigay sa kanya ng SAINN. Kaya naman dumarami ang tagasubaybay ng soap dahil na rin sa kakaiang acting ni Andrea.

000

NATUTUWA ang members ng Masculados 2 na kahit sila’y busy sa iba’t ibang concerts nila ngayon sa iba’t ibang bars sa buong Pilipinas, kasama na rin rito ang pagpunta nila sa mga fiesta, may iba pa silang pinagkakaabalahan ngayon bilang actor. Tulad ng member ng Masculados na si Robin Robel, siya’y kasama ngayon bilang supporting actor sa Aso ni San Roque bilang no. 1 alalay ni Paolo Contis.

Tungkol sa fiesta, sa November 20, abangan ang Masculados 2 sa town plaza ng Sultan Kudarat kung saan roon si- la magsu-show. Basta may offer ang all male group na sila’y aawit at magsasayaw, hindi nila ito tinatanggihan dahil gusto nilang mapasaya ang kanilang libu-libong fans.

Sa totoo lang, hindi lang naman pagsasayaw at pagkanta ang training ni Masculados 2 kay Direk Maryo J. delos Reyes, ang kanilang mentor at manager ngayon. Sinanay rin ni direk Maryo J. ang lahat ng members ng grupo sa acting. Basta ba may pagkakataon na makalalabas sila sa anumang programa ng GMA 7, kanila itong tinatanggap.

Kamakailan lang sa Leveriza, Pasay City, naging panauhin ang Masculados Dos sa coronation night ng Bikini Open sa pook na iyon. Ganyan ka-busy ang grupo ngayon buhat nang mai-launch ang fourth album nila, ang Masculados Dekada.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply