Benepisyo ng mga biktima ng oil rig blast, tiniyak ng DOLE

dole-sec-baldoz

MAKATATANGGAP ng benipisyo ang mga Pinoy na biktima sa pagsabog sa oil platform sa Gulf of Mexico sa Louisiana, USA.

Ito ang tiniyak ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz. Aniya, nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa kumpanyang Black Elk Energy na nangangasiwa sa oil platform, gayundin sa katuwang nitong recruitment agency sa Pilipinas para matiyak na matatanggap ng mga biktima ang benepisyo.

Nagpadala na rin ang pamahalaan ng mga kinatawan na siyang tututok sa proseso ng pagpapauwi sa labi ng namatay sa pagsabog.

May atensyong medical ding ibibigay sa mga nasaktan at nasugatan sa insidente.

Ayon kay Baldoz, makatatanggap ang pamilya ng namatay sa pagsabog ng burial benefits mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), insurance benefit na nagkakahalaga ng P200,000 scholarship para sa mga anak nito at livelihood assistance para sa maybahay.

Nabatid na mula sa siyam na Pinoy worker na nagtratrabaho sa oil platform, isa dito ang nasawi, apat ang sugatan kung saan dalawa dito ang kritikal, habang dalawa naman ay stable na at isa naman ang nawawala .

Tatlo naman ang wala sa listahan bilang mga mangaggawa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply