Beybi nadaganan ni inay, patay

PATAY ang isang kapapanganak pa lang na sanggol matapos madaganan sa pagtulog ng kanyang ina sa Pasay City, Miyerkules ng madaling araw.

Tinangka pang isugod ang sanggol sa San Juan de Dios Hospital ng mag-asawang Ernales Ramos, 18 at Julius Obias, 19 ng Area-C Chest Clinic Compound Tramo sa pag-asang mabubuhay pa ang kanilang anak ngunit idineklarang dead on arrival ang beybi.

Batay sa imbestigasyon nina SPO1 Simon Respicio at SPO1 Melvin Garcia ng Station Investigation Detective Management Section ng Pasay City Police, bago pa matulog, patagilid na pinasususo ng ina ang kanyang anak.

Hindi namalayan ng ina na nadaganan ng kanyang dibdib ang ilong ng sanggol at dakong alas-4:00 ng madaling araw ay nagisnan niya ang kanyang anak na hindi na kumikilos kaya agad nila itong isinugod sa naturang pagamutan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply