BF na pumaslang sa GF, sumuko na

LUMUTANG na sa pulisya at kusang loob na sumuko ang suspek at kasintahan mismo ng pinaslang na 18-anyos na dalaga sa Barangay San Carlos, Anilao, Iloilo.

Sumuko si Marky Jagorin, 25, sa mga pulis at inamin nito na siya ang responsable sa pagptay sa kanyang kasintahan.

Base sa salaysay ni Marky, nagselos umano siya nang makita sa cellphone ng kasintahan ang mga text message ng lalaki na umano’y nanliligaw dito hanggang sa kanyang mapatay ang kasintahan.

Sinabi pa ng suspek na ang kasintahan nito ang unang nagtangkang sumaksak sa kanya ngunit masuwerteng naagaw niya ang gagamiting panaksak at ang biktima ang natarakan at nagtamo ng pitong malulubhang sugat.

Lumabas din sa imbestigasyon na may laceration ang ari ng biktima na lumalabas na nagtalik ang mga ito bago naganap ang krimen.

Unang napabalitang tumanggi umano ang biktima na magtalik sila ng kasintahan kung kaya pinatay ito ng suspek kung saan nanood pa umano ang mga ito ng sex video.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply