BFAR: Fishing ban sa Visayas simula na bukas

MAHIGPIT na ipatutupad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang tatong buwan fishing ban sa karagatan ng Visayas

Dahil dito nagpadala na ngayong araw ang BFAR ng mga barko sa Visayan sea para sa pagpapatupad ng fishing ban simula bukas, November 15.

Ayon kay BFAR Director Asis Perez, isasagawa nila ang pagpapakalat ng kanilangn mga tauhan ngayong umaga bilang paghahanda bukas.

Kailangan maihanda na ang kanilang mga tauhan sa Visayan Sea upang matiyak na sumusunod ang mga mangingisda sa ipatutupad na fishing ban sa isdang tamban at mackerel.

Kabilang ang anim na barko na ipapakalat ng BFAR at composite team mula sa Coast Guard, Fisheries Law Enforcement Section, Philippine National Police (PNP) Maritime, National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang law enforcement agency.

Sa loob ng tatlong buwan o simula ngayong Nobyembre hanggang Pebrero, bawal munang manghuli ng mga nasabing isda dahil panahon ng pagpaparami ng mga ito.

Naniniwala naman ang BFAR na maaaring pumalo sa 10% hanggang 15% ang itataas ng produksyon ng tamban at mackerel sa Visayan Sea sa sandaling matapos ang fish ban.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply