Bidding ng balota sa 2013 elections, binuksan ng Comelec

SA kabila ng kontrobersiyang bumabalot sa bidding para sa ballot papers na gagamitin sa May 2013 midterm elections, pormal nang binuksan ng Commission on Elections (Comelec) ang public bidding para sa supply at delivery ng official ballot packaging para sa halalan.

Sa Invitation to Bid na inilabas ng Comelec – Special Bids and Awards Committee (SBAC), nakasaad na nakahanda na at maaari nang mabili ang Bidding Documents para sa nasabing kontrata sa halagang P50,000.

Nabatid na ang pagsusumite ng bids ay hanggang sa Nobyembre 21 lamang, habang ang pre-bid conference ay itinakda naman sa Nobyembre 9, ganap na 2:00 ng hapon.

Aabot naman umano sa P291.58-milyon ang inilaang pondo ng poll body para sa nasabing proyekto.

Kaugnay nito, ipinaalala naman ni Atty. Helen Flores, chairperson ng SBAC, na magiging mahigpit sila sa mga nais sumali sa bidding.

Aniya, titiyakin rin nilang ang mga makakalahok sa bidding ay mga kumpanyang pag-aari ng isang Filipino citizen o di kaya naman ay 60 porsyento ng stocks nito ay pag-aari ng isang pinoy.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply