Bidding sa pag-imprenta ng balota, binuksan ng Comelec

comelec

INIANUNSYO ng Commission on Elections (Comelec) ang pagbubukas ng bidding para sa pag-iimprenta ng anim na milyong pahina ng Election Day Computerized Voters List (EDCVL) na gagamitin sa 2013 midterm elections.

Batay sa Invitation to Bid ng Bids and Award Committee (BAC) ng Comelec,  aabot sa P4.4 milyon ang inilaang pondo para sa naturang proyekto.

Hindi rin umano dapat na bababa sa P0.73 centavos ang halaga ng kada isang pahina ng EDCVL.

Alinsunod sa kontrata, dapat na mai-deliver ng mananalong bidder ang mga printers sa loob lamang ng 10 araw matapos nitong matanggap ang Notice to Proceed o hindi lalampas sa Enero 15, 2013.

Isasagawa ang pag-iimprenta sa mga EDCVL sa Technology Department (ITD) ng Comelec at dapat itong magawa sa Enero 22, 2013.

Ayon sa Comelec, ang mga interesadong bidder ay maaaring makakuha ng Bidding Documents sa tanggapan ng BAC mula Lunes hanggang Byernes, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng gabi.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply