BIFF, utak ng pagpapasabog sa Maguindanao

maguindanao-map

TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Kumpirmadong isa ang patay at 16 ang sugatan sa magkahiwalay na bomb explosion sa probinsya ng Maguindanao, partikular na sa Datu Saudi at Datu Unsay.

Sa panayam kinumpirma ni Abu Misri Mama, spokesperson ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa panayam sa kanya.

Ayon kay Abu Misri ang isang namatay ay miyembro ng kanilang grupo na kinilala lamang sa pangalang “Haron.”

Kasama naman sa mga sugatan ang ilang miyembro ng BIFF kabilang ang chief of staff na si Mahuting Alimbang at ilan pang sibilyan.

Nilinaw naman ni Misri Mama na hindi sa kanila ang mga bombang sumabog at ang target ng nasabing pagsabog.

Idinagdag naman nito na magsasagawa sila ng imbestigasyon upang malaman kung sinong grupo ang nasa likod sa nangyaring bomb explosions.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply