Big shot na executive ang karelasyon!

john-lloyd-angelica

IBANG klaseng pelikula ang 24/7 In Love ng Star Cinema. Ini-love team si Sam Milby kay Pokwang, at si Piolo Pascual, ini-love triangle sa mga paslit na sina Zaijian Jaramilla at Xyriel Manabat. Ibang klase, di ba? At ewan kung bakit sila pumayag sa ganu’ng klaseng virtual deglamoralization.

Heto pa: pitong love stories lahat ang tampok sa nasabing pelikula na may tatlong direktor. Noon, gumawa na ang Star Cinema ng pelikulang lima ang istorya at pinamagatan nilang Cinco. This time around, pitong istorya na sa isang pelikula ang handog nila and they are about love nga raw.

Ang tampok na loveteams sa ibang istorya ay yung kina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz (at sa Vietnam ginawa ang episode nila na nauwi sa pag-iibigan sa tunay na buhay), Bea Alonzo at Zanjoe Marudo, Kim Chiu at Gerald Anderson, Maja Salvador at Diether Ocampo, Kathrynn Bernardo at Daniel Padilla.

Ang tatlong direktor ng pelikula ay sina Mae Cruz, Frazco Ortiz, at John Lazatin. Sina Mae at Franco lang ang dumating sa press conference nung Huwebes ng gabi sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Unang pelikula nga ito nina Angelica at John Lloyd bilang magka-love team. Unfortunately, hindi nakarating si Lloydie dahil ayon na rin kay Angelica, may taping ang boyfriend n’ya.

Reunion movie ito nina Kim at Gerald after two years.

Siyempre pa, magkatabi sila nung presscon at dahil sa entablado ng Dolphy Theater sila nakaupo, halatang dry na dry sila sa isa’t isa.

Noon, pag may press-con sila, laging nakaakbay si Gerald kay Kim at laging nakapatong ang isang kamay ni Kim sa hita o sa tuhod ni Gerald. Nung Huwebes ng gabi, parang ni hindi nagdikit ang mga katawan nila!

Well, let’s wait and see kung anong klaseng chemistry ang ipipakita nila sa 24/7 In Love na sa November 21 na magsisimula nang ipalabas.

Oo nga pala, bading na model ang role ni Zanjoe at photographer naman si Bea. Ewan kung paano mapapaibig ng character ni Bea ang bading na character ni Zanjoe. Maraming detalye sa pelikula ang ayaw i-reveal nung dalawang directors para nga raw maski na ang mga reporter ay panoorin ito.

Of course, sa tunay na buhay, may mga bading na nagiging lalake pag natuto silang umibig sa babae.

Samantala, hindi pala mahilig sina Zanjoe at Bea sa PDA (public display of affection). Magkatabi sila nung presscon pero parang hindi man lang nagdidikit ang katawan nila. Ni hindi sila nag-holding hands.

Ang parang give-away sign lang nung press-con na yon na magsyota sila ay nung may kung ano’ng sinabing biro si Zanjoe na nag-react si Bea sa pamamagitan ng pagtulak sa boyfriend n’ya. Biglang palambing na nag-react naman din si Zanjoe sa pagsasabi kay Bea na “Ang lakas ng tulak mo, ha?”

Matamis na ngiti lang naman ang iginanti sa kanya ni Bea.

Sa trailer ng pelikula, may eksena si Diether na fully naked pero nakatalikod siya sa camera. Maabutan siya ni Maja sa ganu’ng kundisyon. Empleyado ni Diether si Maja sa istorya. May nagtanong nga pala kay Diether tungkol sa lovelife n’ya. Sabi n’ya, wala raw siyang lovelife ngayon.

Actually, ang tsika among showbiz insiders ay isang napaka-big shot na executive ang karelasyon ni Diether ngayon.

Babae naman po, hindi bading, ang pinagbubulung-bulungang sweetheart ng di na rin naman batang actor na solid na solid pa rin ang katawan (dahil kaya sa doctor o dahil sa gym?).

Matandang babae po ang supposed latest sweetheart ni Diether. Matandang babae na di halatang matanda na dahil sa husay ng beauty science ngayon.

Sa pelikula, ang love story raw nina Kathrynn at Daniel ang mag-uugnay-ugnay sa pitong love stories. Frankly, okey na sa amin na irekumenda sa lahat ang silly love stories kesa mga bayolenteng kuwento ng mga aswang.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply