‘Biggest Loser’ winner sabit sa pagpatay sa sheriff sa Naga

SABIT sa kasong murder ang winner ng kauna-unahang “Biggest Loser” ng ABS-CBN na si Larry Martin sa pagpaslang sa isang sheriff sa Naga City.

Kasama niyang nakasuhan ang kanyang pinsan na si Faustino Galvan ng Barangay Sabang.

Unang inginusong suspek sa krimen si Galvan pero nang imbestigahan ang insidente ay napag-alamang si Martin ang driver sa saksakyan na ginamit ng suspek sa pagtakas.

Nabatid na nagkainitan ang biktima na si Sheriff Rommel Licmuan at Galvan sa hindi pa malamang dahilan hangang pagbubugbugin ito ng huli at na-comatose bago tuluyang namatay.

Si Martin ay dating pulis.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply